Jeremy Lin, muling makakasama ng Beijing Ducks
BEIJING, China (AFP) – Muling magbabalik sa Chinese Basketball Association team ng Beijing Ducks, si Jeremy Lin.
Ito ang inanunsyo ng 32-anyos na manlalaro, matapos niyang mabigo sa pagtatangkang muling bumalik sa NBA.
Si Lin ang naging kauna-unahang Asian-American na nanalo ng NBA championship habang naglalaro kasama ng Toronto Raptors noong 2019, at lumagda para sa Beijing bilang isang unrestricted free agent ng taon ding iyon.
Naging madamdamin ang kaniyang pag-alis mula sa China, matapos masuspinde ng halos limang buwan ang CBA dahil sa coronavirus, subalit ngayon ay sinabi niyang babalik na siya.
Sa kaniyang instagram post ay sinabi ni Lin . . . “Beijing Ducks, excited to be back this upcoming season!”
Ayon kay Lin, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kaniyang “NBA dreams” at naglaro pa para sa Golden State Warriors development team sa unang bahagi ng taong ito, ngunit hanggang sa matapos ang season ay hindi siya nagkaroon ng kontrata.
Sa isang emotional social media post noong nakaraang buwan, matapos niyang mabigong tumugon sa NBA callup deadline, ay sinabi ni Lin . . . “I gave my ALL and hold my head high.”
Una nang nagreklamo si Lin ng “poor protection” mula sa CBA matapos na pansamantalang mawalan siya ng pandinig, makaraang matalo ang Beijing Ducks sa 2020 semi-final.
Dagdag pa ni Lin . . . “I have no regrets about the past. Still got a lot of basketball left in me and we’ll see where this road goes.”
Nagsimula ang NBA career ni Lin kasama ng Warriors noong 2010, bago nagkaroon ng “cultural frenzy” na tinawag na “Linsanity” noong siya ay nasa koponan na ng New York Knicks noong 2012.
Nagpatuloy siya sa paglalaro kasama ng ilan pang NBA teams, subalit nagkaroon ng problema dahil sa kaniyang injury nitong mga nakalipas na seasons.
Gayunman, nag-enjoy siya sa kaniyang successful stay sa China, kung saan nagkaroon siya ng average na 22.3 points, 5.7 rebounds, at 5.6 assists per game sa panahon ng regular season.
@ Agence France-Presse