JICA at MMDA, lumagda ng 3-yr cooperation deal sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa Metro Manila

Courtesy: MMDA PIO
Pumirma ng tatlong taong cooperation deal ang Japan International Cooperation Agency (JICA) at Metropolitan Manila Development Autthority (MMDA), upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa Metro Manila
Ang record of discussion para sa technical cooperation project ay nilagdaan nina JICA Philippines Chief representative Takema Sakamoto at MMDA chairman Atty. Don Artes, sa MMDA headquarters sa Pasig City.

Courtesy: MMDA PIO
Sa ilalim ng proyekto ay magtutulungan ang JICA at MMDA sa pagpapabuti ng traffic management at pagpapakilala ng mas ligtas, mas mabilis at convenient movement ng mga tao at produkto sa National Capital Region.
Layunin ng dalawang partido na mapabuti ang kondisyon ng trapiko sa Metro Manila, at mapalakas ang kapasidad ng MMDA sa traffic management at paggamit ng modernized intelligent transportation systems.

Courtesy: MMDA PIO
Sinabi ng JICA na magbibigay sila ng technical assistance para sa pagpapaunlad ng planning capacity sa ITS development, pagpapaunlad ng ITS implementation kabilang ang pagbili ng mga kagamitan at pagtatayo ng isang traffic data management system
Ang kolaborasyong ito ay bahagi ng Strategic Official Development Assistance plan sa pagpapaunlad ng transportation system sa bansa.
Manny De luna