Jin ng BTS, nagsimula na sa kaniyang military service
Sinimulan na ng BTS star na si Jin ang kanyang mandatory South Korean military duty.
Ang BTS ay malawakang itinuturing na pinakamalaking cultural phenomenon sa South Korea, na pumuno sa mga stadium sa buong mundo at nangingibabaw sa mga chart habang kumikita ng bilyun-bilyon at bumubuo ng pandaigdigang legion ng mga tagahanga na kilala bilang ARMYs.
Ngunit ang lahat ng lalaki sa South Korea ay dapat maglingkod ng hindi bababa sa 18 buwan sa militar, at bagama’t nagkaroon ng isang taong debate kung ang BTS ba ay karapat-dapat bigyan ng exemption, kinumpirma mismo ng grupo noong Oktubre na lahat ng mga miyembro ay magpapalista.
Si Jin na ang buong pangalan ay Kim Seok-jin, ay magsisimula ng limang linggong training ngayong Martes, ayon sa militar.
Iniulat ng Yonhap news agency, na si Jin ay inaasahang made-deploy sa isang “frontline” unit malapit sa border ng South Korea sa North Korea.
Sinabi naman ng BTS label na Big Hit Music sa fans, “We ask you to keep your heart-warming words of support and farewell in your hearts and stay away from the families-only entrance ceremony.”
Nagulat ang mga tagahanga noong Hunyo, nang ihayag ng grupo na hihinto na sila, banggit ang pagod at pressure pati na rin ang pagnanais na magkakaroon ng kani-kaniyang solo career.
Ngunit sinabi ng mga analyst na ang anunsyo ay na-akma sa panahon dahil sa compulsary military duty.
Ang grupo ay muling magsasama-sama sa 2025, kapag nakumpleto na ng pitong miyembro ang kanilang military service.
Ini-exempt ng South Korea ang ilang elite athletes, gaya ng Olympic medalists, at classical musicians mula sa military duty, ngunit hindi kuwalipikado rito ang pop stars..
Gayunman, nakinabang na ang BTS mula sa isang rebisyon noong 2020 sa conscription law kung saan itinaas ang deadline ng pagpapalista para sa ilang entertainer sa edad 30 mula sa dating 28. Si Jin, na pinakamatandang miyembro ng BTS, ay nag-30 anyos na noong Disyembre 4.
Ang seismic changes para sa BTS ngayong 2022, ay nagdulot ng matinding espekulasyon sa mga tagahanga at K-pop watchers tungkol sa kung ano ang magiging hinaharap ng grupo. Mananatili ba sila sa kanilang katanyagan o mahihirapang buhayin ang tinamong tagumpay.
May ilang male K-pop stars na nahirapang ibalik ang ningning ng kanilang career pagkatapos ng kanilang military service, sa isang industriyang ang mga artists ay madaling napapalitan.
Sinabi ni Lee Taek-gwang, isang communications professor sa Kyung Hee University, “For the K-pop industry, the retreat of BTS will be a big deal. During the absence, they could lose public interest, and the decline in popularity will damage their business. It would not be easy for the boy band to reunite.”
Subalit binigyang-diin ng ibang mga eksperto ang mapakalaking tagumpay ng BTS, at sinabing sila ang magiging exception dito.
Ayon kay Lee Ji-young, isang BTS expert at professor sa Hankuk University of Foreign Studies, “They ‘obtained another level of popularity, influence and credibility,’ So they won’t be forgotten by other artists in a highly competitive K-pop industry.”
Simula nang sila ay mag-debut noong 2013, ang BTS ay malawak na kinilala dahil sa kanilang nagawa na higit sa sinumang diplomat o iba pang celebrity upang palakasin ang “image at soft power” ng South Korea, na ngayon ay itinuturing nang isang global cultural powerhouse.
Naimbitahan na silang magsalita sa United Nations, at nakipagkita kay US President Joe Biden sa White House. Sila rin ang opisyal na ambassadors para dalhin ang 2030 World Expo sa Busan, South Korea.
Kinilala ng gobyerno ng South Korea ang BTS sa pagpapasok ng bilyun-bilyong dolyar sa kanilang ekonomiya.
Ngunit sa kabila ng tagumpay na iyon, napatunayang masyadong kontrobersyal ang isang draft na panukala na bigyan sila ng service exemptions at hindi ito nakalusot sa parliyamento.
Sinabi ni Lee ng Kyung Hee University, “In South Korea, the military service is the indicator of egalitarianism… (where) all men are equal. It was a “necessary” symbol of citizenship.”
Si Jin ay nagpaalam sa libu-libong lumuluhang fans sa Buenos Aires noong Oktubre, nang siya ay magtanghal at kantahin ang bago niyang awiting “The Astronaut” kasama ang Coldplay.
© Agence France-Presse