Joint military exercises sa pagitan ng Australia at Pilipinas malabong magdulot ng tensyon sa West Philippine Sea
Malabong magdulot ng mas matindi pang tensyon sa West Philippine Sea ang panibagong joint military exercises sa pagitan ng Australia at Pilipinas.
Ito ang paniniwala ni Senador Francis Tolentino kasunod ng pagsisimula ng Philippines-Australia Joint Military Exercises sa Maguindanao del Norte.
Ayon kay Tolentino, maaaring magpalakas pa ito ng Peace and Security sa rehiyon.
Bahagi lang aniya ito ng layunin ng pagkakatatag ng quad security arrangement sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas, Amerika, Japan at Australia .
Meanne Corvera
Please follow and like us: