Joint nuclear exercises, pinag-uusapan na ayon sa Seoul

This handout photo taken on December 20, 2022 and provided by South Korean Defence Ministry in Seoul shows a US Air Force F-22 fighter jet at Gunsan Air Base in Gunsan during a joint air drill after North Korea claimed it held a successful test launch of a spy satellite. (Photo by Handout / South Korean Defence Ministry / AFP) / RESTRICTED TO EDITORIAL USE - MANDATORY CREDIT "AFP PHOTO / South Korean Defence Ministry" - NO MARKETING NO ADVERTISING CAMPAIGNS - DISTRIBUTED AS A SERVICE TO CLIENTS

(Files) This handout photo taken on December 20, 2022 and provided by South Korean Defence Ministry in Seoul shows a US Air Force F-22 fighter jet at Gunsan Air Base in Gunsan during a joint air drill after North Korea claimed it held a successful test launch of a spy satellite. (Photo by Handout / South Korean Defence Ministry / AFP)

Sinabi ng presidential office ng South Korea, na tinatalakay na ng Seoul at Washington ang joint planning at exercises na kasasangkutan ng nuclear assets ng US upang kontrahin ang lumalaking banta mula sa Hilaga, makaraang sabihin ni US President Joe Biden na walang ganoong joint drills.

Ang pahayag ay inilabas matapos sabihin ni Biden na hindi tinatalakay ng United States ang joint nuclear exercises sa South Korea, na tila sumasalungat sa mga komento ni President Yoon Suk-yeol ng Seoul noong unang bahagi ng linggong ito.

Batay sa pahayag ng tanggapan ni Yoon, ‘The two security allies are in talks over information-sharing, joint planning and the joint implementation plans that follow with regard to the operation of US nuclear assets to respond to North Korea’s nuclear weapons.”

Sa isang panayam sa pahayagang Chosun Ilbo na inilathala nitong Lunes, sinabi ni Yoon na ang umiiral na “nuclear umbrella” at “extended deterrence” ng Estados Unidos ay hindi na sapat upang bigyan ng katiyakan ang mga South Korean.

Sinabi ni Yoon, “The nuclear weapons belong to the United States, but the planning, information sharing, exercises and training must be done jointly by South Korea and the United States.” Dagdag pa niya, medyo positibo ang US tungkol sa ideya.

Ilang oras pagkatapos mai-publish ang nasabing panayam, nagbigay si Biden ng mariing “hindi” bilang tugon sa isang tanong kung isinasaalang-alang ng dalawang panig ang magkasanib na pagsasanay sa nuklear.

Kinilala ng tanggapan ni Yoon ang tugon ni Biden ngunit sinabi na ang pangulo ng US ay “naiwan na walang mga pagpipilian kundi ang sumagot ng ‘Hindi’ kapag direktang tinanong … nang walang anumang konteksto.”

Sinabi ni Kim Eun-hye, isang tagapagsalita para sa South Korean president’s office, “Nuclear exercise is a term only used by nuclear powers.”

Ang mga pahayag ay ginawa makaraang manawagan ni North Korean leader Kim Jong Un para sa “exponential” increase sa nuclear arsenal at mga bagong intercontinental ballistic missiles (ICBMs) ng kaniyang bansa, upang labanan ang ayon dito ay “hostility” ng US at South Korea.

Noong 2022, ang North Korea ay halos buwan-buwang nagsasagawa ng weapons tests na pagsalungat sa mga sanctions, kabilang ang pagpapakawal sa pinaka-advanced nilang ICBM.

Sa ilalim naman ni Yoon, ay pinalakas ng South Korea ang magkasanib na pagsasanay militar kasama ang Estados Unidos, na nabawasan sa panahon ng pandemya o naudlot sa ilalim ng lideratong kaniyang hinalinhan.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *