Joint RP-US Balikatan exercises, tuloy pa rin – AFP

Sasabak pa rin sa Joint Balikatan Exercises ang tropang Amerikano at mga sundalong Filipino sa Abril.

Ayon kay AFP chief of Staff, Gen. Eduardo Año walang mababago rito dahil bahagi ito ng commitment para sa pagpapaunlad ng kapabilidad ng magkabilang panig sa larangan ng pagtugon sa ibat ibang sitwasyong pang seguridad at sa dissaster and humanitarian assistance.

Sinabi ni Año, sa May 19, 2017 ang closing ceremony ng balikatan exercises.

Imbitado naman ang tropa ng Japan bilang mga observer.

Matatandaan na nagdulot ng pagkalito ang nauna nang pahayag noong isang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkontra nito sa Estados Unidos kaya inakalang pati ang joint military exercises ng tropang Amerikano at Filipino ay kanselado na rin.

Nilinaw din ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi apektado ng pahayag ng Pangulo ang balikatan exercises kaya hindi ito ipagpapaliban.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *