Jokic, nanalo sa MVP duel nila ni Embiid, Sixers pinatumba ng Nuggets
Napanalunan ni Nikola Jokic ang MVP duel nila ni Joel Embiid, habang pinatumba naman ng Denver Nuggets ang Philadelphia 76ers sa score na 114-110 nitong Lunes (Martes sa Maynila).
Hindi nabigo ang inaabangang showdown sa pagitan ng reigning NBA MVP na si Jokic at Sixers ace na si Embiid — na nakikitang frontrunner para sa award ngayong taon.
Tumapos ang Serbian star na si Jokic na may 22 puntos, 13 rebounds at walong assists nang tapusin ng Denver ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo upang umangat sa 41-28.
Pinangunahan ni Embiid ang Philadelphia sa 34 points, habang nagdagdag din si James Harden ng 24.
Napanatili ng Denver ang ika-anim nilang puwesto sa Western Conference, ang huli sa automatic playoff berths.
Si Jokic ay sinuportahan ng 21 points mula kay Bones Hyland habang si Will Barton naman ay nag-ambag ng 20 points.
Hindi inaasahan ang panalo ng Denver, lalo’t nagpaulan ng puntos ang Sixers sa unang quarter, na nanguna ng 15 puntos patungo sa ikalawang peryodo.
Ang pangunguna ng Sixers ay tumalon sa 19 puntos sa isang yugto sa ikalawang quarter, bago tumulong sina Barton (10 puntos) at Jokic (pito) na bawasan ang kakulangan sa limang puntos na lamang sa break.
Pagkatapos ay nagpasabog si Hyland para sa 12 sa kanyang 31 puntos sa huling quarter — lahat mula sa 3-point range — nang i-outscore ng Denver ang Sixers 33-22 para tapusin ang panalo.
Samantala, si Jokic ang nagdeliver ng “highlight reel-worthy moment” ng laro sa huling bahagi ng fourth quarter, kung saan gumawa ito ng hindi kapani-paniwalang running jump shot upang ilagay ang Nuggets sa 112-108 abante sa nalalabing 1min 32sec.