Jude Law bibida sa bagong ‘Star Wars’ series sa Disney +
Inanunsiyo ng Disney ang isang bagong live-action “Star Wars” series na katatampukan ni Jude Law, at isang major fan convention.
Sina Harrison Ford at Ewan McGregor ay kabilang sa mga artistang lumabas sa entablado sa Anaheim, California para sa “Star Wars Celebration,” isang apat na araw na pagtitipon na ginaganap kada ilang taon, na karaniwang kaugnay ng mga bagong pelikula.
Subali’t ang opening presentation ay dinomina ng television shows, na nagtatampok sa mga hindi pa nakikitang footage mula sa “Andor” at third season ng “The Mandalorian” — pati ng isang surprise announcement ng world premiere para kay “Obi-Wan Kenobi” ni McGregor.
Ang fans na dumalo sa event ang unang makapanonood ng dalawang episodes mula sa serye, isang araw bago ito ilunsad sa Disney+.
Sina McGregor at Hayden Christensen, na parehong nag-reprise ng kanilang mga papel mula sa “Star Wars” prequel film trilogy para sa serye tungkol sa iconic na Jedi master at sa kanyang apprentice-turned-nemesis na si Darth Vader, ay parehong lumabas sa event.
Para naman kay Law, lalabas siya sa noong una’y hindi pa kumpirmadong serye na “Skeleton Crew,” na nilikha ni “Spider-Man: No Way Home” director Jon Watts.
Ayon kay Watts . . . “It’s the story about a group of kids — about 10 years old — from a tiny little planet, who accidentally get lost in the ‘Star Wars’ galaxy.”
Binili ng Disney ang Lucas film sa halagang $4 billion noong 2012 at agad na sinimulan ang pagpapalabas ng mga pelikula kasama na ang bagong trilogy, at spin-offs na “Solo” at “Rogue One,” nguni’t naging mabagal naman sa output ng “Star Wars” sa big screen.
Ang desisyon ay kasunod ng maliit na kita sa box office at magkakaibang reviews — at ng “all-important launch” ng kanilang Disney+ streaming service.
Ang Disney+ ay nakakuha ng higit sa 130 milyong mga subscriber mula noong ilunsad ito noong 2019, na sumasalungat sa karamihan ng mga inaasahan ng analyst, at ang tagalikha ng smash hit launch show na “The Mandalorian” na si Jon Favreau ay nagpasalamat sa mga tagahanga ng “Star Wars” para sa kanilang bahagi sa mabilis na pagtaas nito.
Aniya . . . “One group, the ‘Star Wars’ fans, showed up when they launched Disney+… you all helped make Disney+ a success.”
Bagama’t ang Disney ay mayroong tatlong “Star Wars” movies sa kanilang schedule, at una na ring inanunsiyo ang mga pelikulang mula sa mga direktor na sina Taika Waititi, Rian Johnson at Patty Jenkins, walang binanggit tungkol dito sa entablado sa panahon ng event.
Sinabi ng pinuno ng Lucasfilm na si Kathleen Kennedy, magkakaroon ng “maraming oras para ipakita” ang mga paparating na pelikula sa hinaharap.
Natapos ang presentasyon sa pamamagitan ng performance mula sa beteranong kompositor na si John Williams, na nag-conduct ng isang live orchestra ng kaniyang latest music para sa “Obi-Wan Kenobi.”
Si Williams — na sumapit na sa kaniyang ika-90 taon ngayong 2022 — ay pinuri ni Ford, na pumapel bilang Han Solo sa original “Star Wars” films, at maging sa “Indiana Jones.”
Biro ni Ford . . . “That music follows me everywhere I go… that music was playing on the speakers in the operating room when I had my last colonoscopy.”
Sinabi rin ng 79-anyos na si Ford, na halos matatapos na ang ika-limang “Indiana Jones” film at kinumpirma na ang premiere nito ay gaganapin sa June 2023.
Ang “Star Wars Celebration” ay tatagal hanggang sa Linggo.
© Agence France-Presse