Judicial and Bar Council naghahanda na sa public interview ng limang aplikante para sa posisyon ng Chief Justice

Naghahanda na ang Judicial and Bar Council sa public interview sa limang aplikante para sa posisyon ng Chief Justice.

Itinakda ng JBC ang interbyu sa limang kandidato bukas, August 16 sa ganap na alas – 9:00 ng umaga.

Sasalang sa JBC interview sa umaga sina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita de Castro at Diosdado Peralta, habang sa hapon naman sina SC Justice Andres Reyes Jr at Tagum City RTC Judge Virginia Tejano-Ang.

Nabakante ang pwesto ng Punong Mahistrado matapos pinal na mapatalsik sa pamamagitan ng quo warranto si Maria Lourdes Sereno noong June 19, 2018.

Ang JBC ang sumasala sa mga nominado at aplikante sa mga posisyon sa Hudikatura at nagsusumite ng shortlist sa Pangulo.

Sa ilalim ng Saligang Batas, mayroong 90 araw para magtalaga ang Pangulo ng bagong Chief Justice mula nang mabakante ang posisyon noong June 19.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *