Julie Andrews ‘nabigla’ sa tinanggap na Hollywood award

Honoree Julie Andrews accepts the AFI Life Achievement Award onstage during the 48th Annual AFI Life Achievement Award Honoring Julie Andrews at Dolby Theatre on June 09, 2022 in Hollywood, California. Emma McIntyre/Getty Images for TNT/AFP 
Emma McIntyre / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Aminado si Julie Andrews, na nabigla siya nang makatanggap ng parangal para sa kaniyang career sa isang Hollywood gala, halos 60 taon matapos ang kaniyang pagganap bilang Mary Poppins at governess Maria sa pelikulang The Sound of Music.

Ang 86-anyos na si Andrews ay tumanggap ng American Film Institute (AFI) life achievement award na ginanap sa Los Angeles. Ang parangal ay ipinagkakaloob taun-taon sa isang silver screen legend.

Ayon kay Andrews . . . “I didn’t know or think that it would ever come. But it’s just as well, because you can’t go around expecting awards and things like that.”

Si Andrews ay nanalo ng Oscar bilang best actress para sa pinakauna niyang big-screen role — ang “Mary Poppins” noong 1964 – kung saan naging mabilis ang kaniyang progreso mula sa pagiging child singer na nagto-tour sa mga music hall sa Britanya, hanggang sa Broadway starlet na naispatan ng Walt Disney.

Isang taon matapos gumanap sa papel ng isang “magical at squeaky-clean nanny,” si Andrews na noon ay nasa kaniya pa lamang twenties ay nagkaroon na ng permanenteng lugar sa mga elite ng Tinseltown sa pamamagitan ng “The Sound of Music.”

Lima sa mga gumanap bilang Von Trapp children mula sa nasabing pelikula, ang dumalo sa seremonya kasama ng apat sa mga anak ni Andrews sa tunay na buhay.

Si Andrews ay gumanap din sa ilan pang bilang ng mga pelikula noong 1970s, 1980s, at 1990s, kung saan ilan sa mga ito ay may “racy o topless” scenes na ikinagulat ng mga audience na hindi sanay na makita ang aktres sa ganoong uri ng roles.

Honoree Julie Andrews accepts the AFI Life Achievement Award onstage during the 48th Annual AFI Life Achievement Award Honoring Julie Andrews at Dolby Theatre on June 09, 2022 in Hollywood, California. Kevin Winter/Getty Images for TNT/AFP 
KEVIN WINTER / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Noong 2000, ay ginawa siyang isang Dame ni Queen Elizabeth II para sa kaniyang acting at entertainment services.

Kasunod ng isang malungkot na yugto sa buhay ni Andrews, ito ay nang masira ang kaniyang vocal chords sa isang operasyon, muli niyang binuhay ang kaniyang career sa pamamagitan ng pelikulang “The Princess Diaries” noong 2001 at sequel nito noong 2004.

Ang voiceover work ni Andrews bilang Queen Lillian sa “Shrek” animated film series, nanay ni Gru sa “Despicable Me” franchise, at Lady Whistledown sa lubhang sikat na Netflix series na “Bridgerton” ang naging daan para magkaroon siya ng mga bagong henerayon ng nakababatang tagahanga.

Nakatakda sanang ipagkaloob kay Andrews AFI award na tinaguriang “the highest honor for a career in film – noong 2020 at muli noong 2021, subalit ang gala ay ipinagpaliban dahil sa pandemya.

Sabi ni Andrews . . . “When they asked me even two-and-a-half years ago — and Covid is what kept us from doing it then — I was gobsmacked.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us: