June 15, idineklarang  “Elder Abuse Awareness Day”

 

Bilang pagsuporta sa kampanya ng United Nation o UN laban sa elder abuse o pagmamaltrato sa mga matatanda, idineklara ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang June 15 bilang Elder Abuse Awareness day.

Ayon kay Quezon City Vice -mayor Joy Belmonte,  ipinasa ng Sangguniang Panglungsod ang Ordinance No. SP-2670, series of 2018 bilang pagsunod sa Resolution no.66/127 na inilabas ng UN General assembly na nagtatakda sa June 15 bawat taon bilang World Elder Abuse awarenes day.

Isa umanong global issue na nakaaapekto sa kalusugan at karapatang pangtao  ng milyong milyong matatanda sa buong daigdig na nararapat lamang na pagtuunan ng pansin.

Samantala, ilan naman sa mga sakit o karamdaman na nararanasan ng maraming elderly ay hypertension, diabetes.

Sa Q.C., sinabi ni Belmonte na patuloy na nagkakaloob ang mga Barangay health centers ng libreng gamot para sa nabanggit na mga karamdaman.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *