Junior at Senior high school isasama narin sa feeding program ng pamahalaan ayon sa Kamara
Hindi lamang mga estudyante sa Elementarya sa mga pampublikong paaralan ang isasailalim sa feeding program ng pamahalaan kundi kasali na rin ang mga Junior at Senior High School.
Ito ang napagtibay sa hearing ng House Committe on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Congressman Roman Romulo.
Sinabi ni Romulo na aamyendahan ng Kamara ang Republic Act 11037 o masustansiyang pagkain para sa mga batang Pilipino act upang masakop ng National feeding program ng Department of Education o DepEd ang mga nasa Secondary Schools.
Ayon kay Romulo ,batay sa datos ng DepEd tinatayang nasa 731,000 ang undernourished na Junior High School samantalang sa Senior High School ay nasa 131,000 o kabuuang 862,000.
Inihayag ni Romulo handang maglaan ang Kongreso ng dagdag na 2.9 bilyong pisong pondo sa DepEd para maisakatuparan ang extended feeding program ng gobyerno sa mga undernourished na Junior at Senior high school.
Vic Somintac