‘Jurassic World Dominion’ muling nanguna sa North American box office
Muli na namang nanguna sa North American movie screens nitong weekend ang “Jurassic World Dominion.”
Ang pinakabago sa dinosaur frightfest ng Universal – ang ika-anim sa “Jurassic Park” franchise – ay kumita ng tinatayang $58.7 million mula Biyernes-Linggo. Pinagbibidahan ito nina Chris Pratt, Bryce Dallas Howard, Laura Dern at Jeff Goldblum.
Nasa ikalawang puwesto naman ang “Lightyear,” pinakabagong computer-animated film ng Pixar at Disney mula sa “Toy Story” empire. Kumita ito ng $51 million. Ang aktor na si Chris Evans ang nagboses sa title character na si Buzz Lightyear.
Pumapangatlo ang “Top Gun: Maverick,” ng Paramount na kumita pa rin ng $44 million kahit na nasa ika-apat na linggo na ng pagpapalabas.
Dahil sa kabuuang kita nito na $466 million domestically at $419 million overseas, ang action adventure sequel sa original 1986 film ang naging “biggest hit” sa career ni Tom Cruise.
Ang fourth spot ay napunta naman sa “Doctor Strange in the Multiverse of Madness” ng Disney na kumita ng $4.2 million. Ang domestic earnings para sa Benedict Cumberbatch sci-fi film ay $400 million.
Ang “The Bob’s Burgers Movie” ng 20th Century ang nakakuha ng ika-limang puwesto. Base ito sa popular na TV series, at kumita ng $1.1 million.
Narito naman ang kabuuan ng top 10 list:
“The Bad Guys” ($980,000)
“Everything Everywhere All at Once” ($960,000)
“Downtown Abbey: A New Era” ($830,000)
“Sonic the Hedgehog 2” ($228,000)
“Brian and Charles” ($198,000)
Ang Top 10 movies nitong weekend ay kumita ng kabuuang humigit-kumulang $162.2 million sa box office, kumpara sa kinita last week na humigit-kumulang $212.4 million, kasama na ang $143.4 para sa Jurassic World Dominion.
© Agence France-Presse