Justice Sec. Aguirre, nilinaw na wala siyang kautusan sa PAO na itigil ang otopsiya sa mga hinihinalang Dengvaxia victims
Nilinaw ni Justice secretary Vitaliano Aguirre II na wala siyang kautusan sa Public Attorney’s office o PAO na ihinto ang pagsasagawa ng otopsiya s amga labi ng mga hinihinalang Dengvaxia victims.
Kasunod ito ng panawagan ng grupo ni dating Health secretary Esperanza cabral na dapat itigil na ng PAO ang autopsy dahil batay na rin sa imbestigasyon ng mga eksperto mula sa PGH ay hindi ang anti-dengue vaccine ang direktang sanhi ng pagkamatay ng 14 na bata.
Ayon kay Aguirre, bukas naman siya sa pagsusumite ng position paper ng grupo ni Cabral na Doctors for Public welafre kung bakit dapat itigil an PAO autopsies.
Pero wala pang pahayag ang kalihim kung ipag-uutos na niya kung sakali sa PAO na ihinto ang otopsiya sa bangkay ng mga bata.
Kaugnay nito, inatasan na ni Aguirre ang PAO at NBI na isumite ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa dengvaxia ngayong linggo.
Sinabi pa ng kalihim na fact-finding ang ginagawa ng NBI at PAO at walang masama kung ilahad ni Dr. Erwin Orfe na medico-legal expert ng PAO ang findings sa otopsiya sa mga batang naturukan ng dengvaxia na nasawi.
Una namag iginiit ni PAO chief Persida Rueda Acosta na pwedeng maharap sa kasong obstruction of justice si Cabral dahil sa panawagan nito.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===