Justice Sec Remulla nagbabala sa Timor-Leste sa posibleng kurapsyon sa extradition case ni dating Congressman Arnulfo Teves, Jr.
Wala pang maibigay na timeline o panahon ang gobyerno ng Timor-Leste kay Justice Secretary Crispin Remulla, kung kailan mapababalik sa bansa si dating Congressman Arnulfo Teves, Jr., na akusado sa kasong murder sa Pilipinas.
Ayon kay Remulla, committed at gusto nina Timor-Leste President Ramon Jose Horta at ng iba pang opisyal ng nasabing bansa na matapos nang maayos ang kaso ni Teves.
Una nang kinatigan at pinagtibay ng korte ng Timor-Leste ang hiling na extradition ng Pilipinas kay Teves.
Pero ito ay muling isinalang sa bagong proceedings matapos na kuwestiyunin ng mga abogado ni Teves, kaya naantala ang inaasahang pagpapauwi sa dating kongresista.
Kaugnay nito, tinalakay at binalaan ni Remulla si President Horta sa mga posibleng kurapsyon sa legal system na makasisira sa Timor-Leste.
Ayon kay Remulla, “So we were talking about it that way na kapag pinayagan nila mangyari ‘yan, baka mamaya ‘yung kanilang legacy these guys are 75, 78 years old, ‘yung mga lumaban ng revolution sa Timor-Leste baka naman mawala ‘yung legacy nila at mapunta o uwian lang ng isang bansa na ano nasisilaw sa pera, we warned them adequately about it.”
Sinabi ng kalihim na kapag pinayagan ng Timor-Leste na paglaruan ng mga abogado doon ang legal na proseso ay magdudulot ito ng problema sa kanilang bansa.
Aniya, “Parang iregular ang nangyari dyan humaba nang humaba. We’re telling them, as friends, we don’t want this happening to you, kami nga we have more than a 100 years of legal tradition in this country but this still happens. Paano sila ngayon, bata pa lang, ayun na yung nangyayari so we talked about it that way.”
Moira Encina-Cruz