Justice Sec. Remulla pinayuhan sina dating Pangulong Duterte at Sen. Dela Rosa na umiwas munang magtungo sa European countries
Huwag muna raw magtungo sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Ronald Dela Rosa sa mga bansa na maaaring makialam ang International Criminal Court.
Ito ang payo ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos ang ruling ng ICC sa pagpapatuloy ng drug war probe.
Sina Duterte at Dela Rosa ay kabilang sa mga inireklamo sa ICC noon kaugnay sa war on drugs campaign.
Ayon kay Remulla, papayuhan nila ang dalawa dahil sila ay mamamayan ng Republika ng Pilipinas na nangangailangan ng proteksyon ng estado.
Partikular aniya na iwasan munang bisitahin nina Duterte at Dela Rosa ay European countries kung saan may hurisdiksyon ang ICC.
Una nang binalewala nina Duterte at Dela Rosa ang desisyon ng ICC Appeals Chamber.
Moira Encina