Justice Secretary Crispin Remulla, 10-araw na naka-wellness leave
Epektibo ngayong araw ang sampung araw na wellness leave ni Justice Secretary Crispin Remulla.
Sa statement na inilabas ng Department of Justice (DOJ), personal ang rason sa pagbabakasyon ng kalihim.
“We kindly ask for your understanding and respect for the Secretary’s privacy during this time. We look forward to the Secretary’s return and his continued service to the DOJ and the Filipino people,” pakisuyo ng DOJ sa inilabas na statement.
Sa statement, tiniyak din g DOJ na tuluy-tuloy ang pagganap ng mga trabaho at responsibilidad ng mga opisyal at kawani ng kagawaran para hindi maantala ang operasyon nito kahit wala ang kalihim.
Magsisilbi namang officer-in-charge si Justice Undersecretary Raul Vasquez habang naka-bakasyon si Remulla.
Kinumpirma naman ni Vasquez sa kaniyang talumpati sa DOJ-PNP Symposium on Capacity Development for Law Enforcement Officers na naka-leave ang kalihim.
Si Remulla ay isa sana sa mga panauhin at magsasalita sa nasabing programa ngayong Lunes.
Noong nakaraang linggo ay sumailalim si Remulla sa kaniyang annual medical check-up.
Moira Encina