Justice Secretary Menardo Guevarra binalaan ang mga nagbabalak na magplano ng rebelyon at kudeta
Binalaan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga naging kasamahan noon ni Senador Antonio Trillanes IV sa kasong rebelyon, sedition at kudeta at ang iba pang mga potensyal na coup at rebellion plotters.
Ito ay kasunod ng panawagan ng ilang opposition congressmen na itigil na ng DOJ ang pagbuhay sa mga kaso laban kay Trillanes kasunod ng desisyon ni Judge Andres Soriano ng Makati City RTC branch 148.
Iginiit ni Guevarra na wala sa Makati RTC 148 ang pinal sa pasya sa usapin dahil maaaring iba rin ang naging pananaw ng ibang hukom sa mga kaparehong ebidensyang na iprinisinta sa sala ni Soriano gaya ng naging utos ng Makati Branch 150 na pabor naman sa DOJ.
Una nang sinabi ni Guevarra na maari nilang iakyat sa mas mataas na hukuman ang ruling ng Branch 148 na nagbabasura sa kanilang mosyon.
Ulat ni Moira Encina