K-FAP, ang bagong panlaban sa COVID-19
Mahigit nang isang taon na nararanasan ang pandemya na dulot ng covid 19.
Ayon sa eksperto, kabilang sa epektibong paraan upang hadlangan ang virus ay paghuhugas ng kamay gamit ang sabon, kasama ang handmists o sanitizer.
Kaisa ang Department of Science and Technology o DOST sa pagpapatupad ng health at safety protocols laban sa covid 19.
Kaugnay nito, nag-developed ang Department of Science and Technology o DOST-Forest Product Research and Development Institute o FPRDI ng Antimicrobial Products. Tinawag nila itong Kawayan Forest Antimicrobial Products o K-FAP
Ayon sa FPRDI, ang main ingredients ay mula sa ibat ibang yamang gubat na ginawa sa pamamagitan ng ibat ibang teknolohiya at mga equipments o kagamitan tulad ng drum kiln, at crusher extractor.
Kabilang sa nai-developed ng FPRDI ay bar soap with activated charcoal at hand mists bamboo activated carbon.
Hanggang sa kasalukuyan marami na rin ang nagnanais na mag adopt ng technology sa paggawa ng bar soap at hand mists lalo na ang mga lugar kung saan maraming tanim na kawayan.
Nauna dito, sinabi ng FPRDI na maraming beneficiaries na ang nakatanggap ng mga nabanggit na K-FAP sa ibat ibang rehiyon ng bansa.
Tumutulong din sila sa mga adaptor upang makabangon sa kanilang industriya na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagtuturo ng teknolohiya ng paggawa ng mga nabanggit na antimicrobial product.