K-pop supergroup BTS, nagbigay ng mensahe tungkol sa US hate crimes nang bumisita sa White House

Korean band BTS appears at the daily press briefing in the Brady Press Briefing of the White House in Washington, DC, May 31, 2022, as they visit to discuss Asian inclusion and representation, and addressing anti-Asian hate crimes and discrimination. 
SAUL LOEB / AFP

Hindi umawit ang South Korean K-pop sensations na BTS sa kanilang pagbisita sa White House para makipagkita kay President Joe Biden, subali’t malakas at malinaw ang naging mensahe ng grupo laban sa anti-Asian racism.

Lahat ng pitong miyembro ng BTS na kinabibilangan nina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V at Jungkook ay dumalo sa White House press briefing kung saan sinamahan sila ni White House Press Secretary Karine Pierre sa briefing room podium, at doon ay nagsalitan sila ng pagsasalita tungkol sa kahalagahan ng diversity at Asian inclusion.

Sa pamamagitan ng isang translator, sinabi ni Jimin . . . “The group is ‘devastated by the recent surge of hate crimes’ in the United States.”

Ayon naman sa isa pang miyembro na si Suga . . . “It’s not wrong to be different. I think equality begins when we open up and embrace all of our differences.”

Nagtipon naman sa labas ng White House grounds ang mga fans ng BTS na tinatawag na “Army” sa pag-asang masilayan man lang kahit saglit ang grupo.

Ang maikling sandali ng pagharap ng BTS sa mga mamamahayag kahit na hindi na sila nakapagtanong pa sa grupo, ay napaulat na nakakuha ng higit sa 300,000 mga manonood sa YouTube channel ng White House, higit sa 10 ulit na mas mas marami kumpara sa araw kapag ang mga taong nanonood sa kaganapan sa briefing room ay halos mga mamamahayag o political professionals lamang.

Korean band BTS appears at the daily press briefing in the Brady Press Briefing of the White House in Washington, DC, May 31, 2022, as they visit to discuss Asian inclusion and representation, and addressing anti-Asian hate crimes and discrimination. 
SAUL LOEB / AFP

Ayon sa White House . . . “Biden issued the invitation to discuss the need to come together in solidarity, Asian inclusion and representation, and addressing anti-Asian hate crimes and discrimination, which have become more prominent issues in recent years.”

Ang Anti-Asian sentiment at karahasan sa America ay lumala sa panahon ng coronavirus pandemic, isang hindi pangkaraniwang bagay na isinisisi ng marami sa Covid-19.

Noon lamang 2021, ang hate crimes laban sa mga Asyano ay tumaas ng 339% ayon sa Center for the Study of Hate and Extremism. 

Pinuri ng White House ang BTS bilang “youth ambassadors who spread a message of hope and positivity across the world.”

Si Biden, na sa edad na 79 ay ang pinakamatandang naging pangulo, ay madalas na nakikipag-ugnayan sa mga kabataang celebrity at social media influencer upang subukang magbigay ng kaakit-akit na mga mensahe kaugnay ng mga isyu sa lipunan at kalusugan.

Kabilang na rito ang Fil-Am pop singer na si Olivia Rodrigo at ang Jonas Brothers, na humikayat sa mga kabataang Amerikano na magpabakuna laban sa Covid-19.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: