K-Wave: It’s fun to have a fan talk!

Image by ktphotography from Pixabay

Naranasan ninyo na bang humanga sa isang sikat na tao?

Lahat ng whereabouts, eh alam na alam, updated ka lagi.

At dahil sa paghanga natin sa isang tao o grupo, natutuhan natin ang maraming bagay gaya ng kanilang kultura, pagkain, at kaugalian.


Kamakailan lang may nakachikahan tayong mga na-hook sa Korean wave sina John Axel Orencio, honorary reporter ng Korean Tourism Culture and Information Service at si Juliet Marin, big fan naman ng BTS.

This image has an empty alt attribute; its file name is john-axel-orencia.jpg

Ikinuwento nila ang ilan sa nakakaaliw na karanasan nila bilang mga k-enthusiast.


Nagsimula ang pagkahilig nila sa korean culture dahil sa nakapanood ng K-drama.


Na-caught ang kanilang attention dahil sa hindi stereotype, hindi gaya ng mga dramang nakamulatan.


Mula dito ay lumawak ang interes na malaman pa ang maraming bagay.

Inalamang kultura, pagkain, lugar, damit at iba pa.

At nitong pandemya, isa ito sa naging libangan nila.


Idinagdag pa nila na nakahiligan na rin nila ang musika at maging ang government system.

Naibahagi ni Axel ang lugar na gusto niyang mapuntahan sa South Korea at ito ay ang Seoul, habang si Juliet ay na-appreciate ang cosmetic products, pagkain at ang hottest K-Pop group na BTS.

This image has an empty alt attribute; its file name is julie-marin.jpg


Samantala, hindi pa dito natapos ang kuwento, nag-join na rin sila sa mga ibat- ibang grupo na interesado sa korean wave.

Samakatuwid, nagkaroon ng chance para sa intercultural exchange and thinking.

Sumasali din sa mga contest ng social media groups na sponsored ng Korean Tourism Organization.


Ang nakatutuwa nga pareho nilang naranasang manalo.

Naibahagi ni Axel dahil sa kanyang napanalunan, nakabili siya ng laptop.

Si Juliet ay proud na ipinakita sa atin ang freebies na natanggap.

Photos Courtesy of Juliet Marin

At the end, ang ganitong karanasan ay nagdulot ng kasiyahan sa kanila.

Ibinahagi rin nila ang kanilang pananaw para sa ating turismo.

Sabi nila, ilan sa mga ito o pamamaraan na ginagawa ng KTO ay maaaring I-adapt upang mapalakas ang ating
local tourism.


Maipakita ang magagandang location spots ng Pilipinas sa mga television drama, magsagawa ng contest through social media, at ang premyo ay sample products mula sa local markets natin, magandang paraan ito at malaki ang mai-aambag para lalong sumigla ang turismo ng bansa.

Photo Courtesy of John Axel Orencia
Please follow and like us: