Kabataang edad 6-14, maaari nang mag-apply para sa national ID sa 2 bayan sa Davao Oriental
Tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga kabataang edad 6-14 anyos, ang Philippine Identification (PhilID) o national ID registration centers sa mga munisipalidad ng Manay at Cateel sa Davao Oriental.
Kaugnay nito ay inabisuhan ng Philippine Identification System (PhilSys) teams sa dalawang nabanggit na munisipalidad ang publiko, na dalhin ang mga kinakailangang dokumento para sa registration ng mga kabataan na nasa 6-14 age brackets, gaya ng birth certificates na authenticated ng Philippine Statistics Authority (PSA) o ng local civil registrar.
Dapat ay may kasama ring adult companions ang batang mag-a-apply.
Ayon sa post ng PhilSys team . . . “We would like to let all residents in the towns of Manay and Cateel that children aged six to 14 years old can now register for the national ID.”
Noong July nagsimulang tumanggap ng PhilID applications ang siyudad ng Mati at mga munisipalidad ng Cateel, Baganga, Manay, Lupon, at Governor Generoso.
Sa huli nilang post ay inanunsiyo na rin ng Mati City PSA-Based PhilSys Fixed Registration Center (FRC), na tumatanggap na sila ng walk-in applicants.
Lumitaw sa huling PSA data, na higit 40 milyong Filipino ang nakakumpleto na ng PhilSys Step 2 registration, malapit na sa 50 milyong target ngayong taon.
Bukod sa tatlong PhilID cards na naideliver, nasa anim na milyon na ang nai-dispatch hanggang noong November 12.
Ang buong registration process at delivery ay libre at ang national ID ay walang expiration.
Naisabatas noong August 2018 matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, ay naglalayong magtatag ng isang national ID para sa lahat ng Filipinos at resident aliens.
The national ID shall be a valid proof of identity that shall be a means of simplifying public and private transactions, enrollment in schools, and the opening of bank accounts.
Ang pnational ID ay dapat na maging isang balidong pruweba ng pagkakakilanlan, na isang paraan ng pagpapasimple ng mga pampubliko at pribadong transaksyon, pagpapatala sa mga paaralan, at pagbubukas ng mga bank account.