Kadiwa ni Ani at Kita ng DA, tuloy kahit may bagyo
Tuluy-tuloy ang mobile on wheels ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Kadiwa ni Ani at Kita program.
Kahit umuulan, lumibot sa Maynila, Pasay, Mandaluyong, Parañaque at Quezon City.
Ayon kay Agriculture Asst. Secretary Noel Reyes, mabibili dito ang mura at de-kalidad na produkto ng mga magsasaka at mangingisda.
Mas mura ang presyo kumpara sa mga mabibili sa mga palengke at supermarkets.
Hindi tulad ng karaniwang palengke na maraming tao ang nagsisiksikan, mahigpit na ipinatutupad sa kadiwa market ang social distancing.
Kabilang sa mabibili dito ay bigas, sari-saring gulay at prutas, itlog, processed meat products, gatas, manok, at iba’t ibang isda gaya ng galunggong, tilapia, bangus, tulingan, salay-salay, pampano, blue crabs, mackerel, cream dory, squid rings, mixed seafoods, tinapa, daing, at marami pang iba.
Ani Reyes, malaki ang naitutulong ng program sa mga kababayan nating magsasaka at mangingisda dahil mas malaki aniya ang kinikita ng mga ito dahil wala na dinadaanang middlemen.
Ulat ni Belle Surara