Kaguluhan sumiklab sa Dublin kasunod ng school knife attack
Sinunog ng mga nagpo-protesta ang mga sasakyan, pinagnakawan ang mga tindahan sa Dublin, at nakipagsagupa sa pulisya matapos masaktan sa isang knife attack sa labas ng isang paaralan ang tatlong mga bata.
Nakabantay sa mga lansangan ng Irish capital ang mga pulis na nakasuot ng riot gear, habang kinakantahan sila ng mga tao ng panunuya at ang iba ay nagsindi ng fireworks.
Pumailanlang ang apoy mula sa isang sinunog na bus at kotse malapit sa O’Connell Bridge, sa River Liffey, habang ninakawan naman ang mga tao ang mga tindahan sa isa sa pangunahing shopping streets ng lungsod.
Ang kaguluhan, na pinakamalalang nangyari sa Dublin sa loob ng maraming taon, ay nangyari matapos na isang limang taong gulang na batang babae ang malubhang nasaktan sa isang insidente ng pananaksak sa Parnell Square East, north central Dublin.
Dalawa pang bata at dalawang nasa hustong gulang, isang babae at ang hinihinalang nanaksak ay dinala sa ospital pagkatapos ng nangyari.
Isinisi ni police chief Drew Harris ang kaguluhan sa aniya’y “complete lunatic faction driven by far-right ideology.”
Nagbabala rin siya laban sa “misinformation” dahil sa kumakalat sa social media tungkol sa nasyonalidad ng hinihinalang attacker.
Ang Ireland ay nahaharap sa isang talamak na krisis sa pabahay, kung saan sa pagtaya ng gobyerno ay mayroong daan-daang libong kakulangan sa tahanan para sa pangkalahatang populasyon.
Ngunit ang malawakang kawalang-kasiyahan ay nauwi sa pagbatikos laban sa asylum seekers at refugees, kung saan ginamit ng far-right figures ang mga rally upang i-promote ang anti-immigration sentiment, maging ang social media upang sabihing “puno na ang Ireland.”
Sinabi naman ni Justice Minister Helen McEntee na ang mga nangyari sa sentro ng siyudad, kabilang na ang pag-atake sa mga pulis ay hindi nila ipagwawalang-bahala at nangakong aaksiyunan ito.
Aniya, “A thuggish and manipulative element must not be allowed to use an appalling tragedy to wreak havoc.”
Ang insidente ng pananaksak, na inaakala ng pulisyang hindi “terror-related,” ay kinasasangkutan ng isang lalaking armado ng kutsilyo na nanaksak sa labas ng eskuwelahan, ayon sa media at mga saksi.
Ikinuwento ng mga nakasaksi kung paanong nadisarmahan ang isang lalaki at sinabi naman ni prime minister Leo Varadkar, na isang suspek ang naaresto.
Kalaunan ay sinabi ni superintendent Liam Geraghty, “a young girl aged five years has sustained serious injuries and was receiving emergency medical treatment.”
Nagtamo rin ng hindi malubhang sugat ang isang limang taong gulang na batang lalaki at isang anim na taong gulang na batang babae. Ang batang lalaki ay nakalabas na ng ospital.
Ayon kay Geraghty, ang babaeng nasa hustong gulang ay ginagamot pa sa ospital dahil sa serious injuries, habang ang lalaki na sinasabing nasa kaniyang 50s, ay itinuturing ng pulisya na “person of interest.”
Inilarawan naman ng local lawmaker na si Aodhan O Riordain, ng Irish Labour Party, na ang insidente ay “nakababahala.”
Aniya, “Hope injuries are not serious but it will (be) extremely traumatising regardless for all involved.”
Sinabi naman ni Mary Lou McDonald, lider ng Sinn Fein opposition party, “I ‘horrified’ by what had happened. There is shock throughout the community. I have just spoken to the Principal of Gaelscoil Cholaiste Mhuire and relayed my support to the school community.”