Kahalagahan ng edukasyon ang mensahe ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo
Binigyang diin ni Miss Philippines Universe Rabiya Mateo ang kahalagahan ng edukasyon sa Pilipinas sa kanyang recorded video message na ipinalabas matapos siyang tawagin bilang isa sa Top 21 Candidates sa isinasagawang 69th Miss Universe Competition.
Ayon kay Mateo, lumaki siya sa Pilipinas kung saan mas maraming mahihirap na pamilya at ang edukasyon ang nagsisilbing social equalizer.
Dahil sa matinding kompetisyon, mahalaga aniya na may pinag-aralan para makakuha ng magandang trabaho
“I live in a country where there’s a lot of poor families and education is our social equalizer that regardless of what background we have, the status of your family, if you educate yourself you will be able to land a great job.” – Miss Philippines Universe Rabiya Mateo.
Si Mateo ay pang-15 sa mga tinawag para mapabilang sa Top 21 Miss Universe Candidates.
Narito ang listahan ng mga nakapasok sa Top 21. Click here
Meanne Corvera