Kahilingan ng aktres na si Amber Heard para sa panibagong paglilitis, tinanggihan ng hukom sa US
Tinanggihan ng isang hukom sa Virginia, ang kahilingan ng aktres na si Amber Heard para sa isang panibagong paglilitis sa defamation case, na isinampa niya laban sa dating asawang si Johnny Depp na napanalunan ng aktor.
Hiniling ng mga abogado ni Heard kay Judge Penney Azcarate, na isantabi ang hatol ng hurado na bayaran niya si Depp ng $10 milyon at magdeklara ng mistrial, ngunit tinanggihan ng hukom ang kahilingan.
Humiling si Heard ng bagong paglilitis, dahil ang isa sa pitong hurado ay hindi ang lalaking ipinatawag para sa serbisyo ng hurado kundi ang kanyang anak sa kaso ng maling pagkakakilanlan.
Ayon kay Azcarate . . . “There is no evidence of fraud or wrongdoing and the juror met the statutory requirements for service. The juror was vetted, sat for the entire jury, deliberated, and reached a verdict.’
Napatunayan ng hurado noong Hunyo, na sina Depp at Heard ay may pananagutan sa paninirang-puri — ngunit higit na pumanig sa “Pirates of the Caribbean” star kasunod ng matinding anim na linggong paglilitis na sumakay sa pinagtatalunang mga paratang ng pang-aabuso sa tahanan.
Si Depp ay pinababayaran ng jury ng $10 million damages, matapos matuklasan na ang isang artikulo sa pahayagan noong 2018 na naghahayag ng karanasan ni Heard ng pang-aabusong sekswal ay mapanirang puri.
SiHeard ay inihabla ng 59-anyos na si Depp, kaugnay ng isang Washington Post op-ed kung saan hindi niya pinangalanan ang aktor, nguni’t inilarawan ang kaniyang sarili bilang isang “public figure representing domestic abuse.”
Ang 36-anyos na si Heard, na nagkontra-demanda ay pinababayaran naman ng $2 million.
© Agence France-Presse