Kahit wala pang booster shots COVID-19 vaccine sa bansa epektibo-Health experts
Ligtas at epektibo ang mga bakuna kontra covid 19 na ginagamit sa bansa kahit na wala pang booster shots.
Kaya naman ayon kay Dr. Rontgene Solante, myembro ng Vaccine Expert Panel, hindi na dapat magduda ang publiko sa effectivity nito at magpabakuna na kung may pagkakataon.
Ayon kay Solante, karamihan ng mga na-o-ospital ngayon at nakakaranas ng malalang COVID- 19 ay mga wala pang bakuna laban sa virus.
Paliwanag ni Solante, batay na rin sa kanyang obserbasyon, kahit kasi may mga myembro ng pamilya na hindi lumalabas ng bahay, kung ang mga kasama naman nila na lumabas galling trabaho o bumili ng mga pangangailangan sa bahay ay hindi maingat at hindi sumunod sa health protocols, hindi malabong mahawa ang ibang myembro ng pamilya.
Batay sa datos ng Department of Health, hanggang nitong Agosto 23, umabot na sa 65% ang occupancy rate ng Covid 19 beds sa bansa.
Sa 4,139 ICU beds na inilaan para sa Covid 19 patients, 73% na o 3 026 ang okupado.
Habang sa 14,336 ward beds naman, 67% o 9,605 na ang okupado.
Sa 20,149 isolation beds naman sa bansa, 61% o 12 306 na ang okupado.
Madz Moratillo