Kakaibang Stone paintings ni Stefano Furlani
Kakaiba ang mga paintings ni Stafeno Furlani dahil ang kanyang ginagamit sa kanyang mga obra ay mga bato.
Naghahanap ang Italian artist ng mga bato sa mga beach at inaayos niya ito upang makalikha ng complex compositions.
Nadiskubre ni Furlani ang kakaibang art na ito habang nakikipaglaro sa kanyang anak na lalaki na si davide nang ito ay tatlong taong gulang pa lamang.
Namumulot silang mag ama ng bato sa beach at inaayos ang mga bato batayn sa kanilang hugis at disenyo .
Kalaunan ay na-enjoy ng mag ama ang kanilang ginagawa at nagsimula silang lumikha ng mga detalyadong artworks.
Bagamat simple sa unang tingin ang mga obra ni Furlani, pero lumabas sa maingat na inspeksiyon kung paano maayos na pinagsama sama ang mga bato at kung gaano karaming oras ang ginugol ng artist sa paghahanap ng perfect combination.
Hindi lamang ang hugis at laki ng mgha batop ang madalas na iniisip ni Furlani , kundi maging ang kanilang kulay kaya ilan sa kanyang obra ay parang tunay na panting.
===============