Kalakalan, seguridad at karapatan ng mga manggagawa, pinag-usapan ni Pangulong Bongbong Marcos at New Zealand PM Jacinda Ardern
Tinalakay nina Pangulong Bongbong Marcos at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa kalakalan, seguridad, at karapatan ng overseas Filipino workers (OFWs), sa isang bilateral meeting sa sideline ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ayon sa isang statement mula sa Office of the Press Secretary (OPS), sinabi ng pangulo kay Ardern, “Our trade, our connection, has been growing at a steady pace. And we want perhaps after things open up even more and come back to what we all considered to be normal, it would increase.”
Sinabi rin ng pangulo, “The best solution is just have strong partnerships. You can have slightly different positions within that —but you are members of a political aggrupation and economic aggrupation, there’s strength in numbers.”
Ayon pa sa OPS, binati ni Ardern ang mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa New Zealand at sinabing ang mga Pinoy doon ay isang mahalagang bahagi ng New Zealand society.
Wala namang dagdag pang detalye tungkol sa pulong ang inilabas sa media.
Bago kay Ardern, ay una na ring nagkaroon ng bilateral meeting ang pangulo sa iba pang world leaders, kabilang na kay Xi Jinping ng China.