Kalapati umano ang panggamit sa pagpapadala ng Illegal drugs sa NBP

Nagagamit na rin umano ngayon ang mga kalapati para magdeliver o magdala ng illegal drugs at iba pang kontrabando sa NBP

Sa pagdinig ng senate committee on justice and human rights, sinabi ni Retired General Gregorio Catapang, Jr., director ng Bureau of Corrections na ang modus ipapasok ng mga bisita ang mga itlog ng kalapati kapag dumadalaw sa NBP.

Sa loob na ng bilangguan nililimliman ang mga itlog. Kapag napisa ito palalakihin at tuturuan na lumipad sa paligid ng bilibid at gagawing tagadala ng illegal drugs at iba pang kontrabando.


Ang pinaka-latest po Mr. Chair mga kalapati after so many months mapipisa palalakihin magpalipad sa paikot ibibigay matuto na ang kalapati na bumalik sa kanilang pugad.” Bukod sa kalapati, inilalagay rin aniya ang shabu sa mga condom saka inilalagay sa maselang katawan ng babae.” Pahayag ni Bucor Director Gregorio Catapang, Jr.

“Ang usong-uso ang ginagawa ngayon kaya kami humihingi ng tulong sa inyo yung condom nilalagay ng shabu tapos ilalagay sa puwerta ng mga babae hindi naman pwede kapkapan mga babae makakasuhan kami ng human rights.” dugtong pa aniya.

Ito aniya ang dahilan kaya marami pa rin silang nakukumpiskang illegal drugs sa mga preso at hindi pa maituturing na drug free ang bilibid sa kabila ng mga paghihigpit ng seguridad doon.

Inamin din ni Catapang na marami sa mga bilanggo ang nagagamit dahil wala ng takot ang mga preso sa katwirang kapag nahuli babalik rin sila sa bilangguan

Naging kultura na rin aniya sa loob ng kulungan ang kawalan ng sense of duty at malasakit sa mga tauhan ng bucor kaya isa sa kanilang ginawang hakbang ay pinalitan ang lahat ng mga tauhan

Gayunman may ginagawa na silang paraan tulad ng congestion sa mga kulungan at pinapalaya na ang mga nakatapos nang magsilbi ng kanilang sentensya

Apila niya sa senado, pondohan ang pangangailangan sa bilibid tulad ng mga karagdagang CCTV camera para mas mapaigting ang kanilang seguridad.

“Nagdismantle na po ako ng kubol 2812 sa lahat ng building maximum nagagawa ang general order machinery BuCor para magkaroon ng kapangyarihan na supilin at parusahan lahat ng kawani na hindi susunod security ng mga PDL initiate cashless policy wala na pera iikot lahat ng pera diyan cash coupon tunay na pera makakasuhan.” paliwanag pa ni BuCor Director Catapang.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *