Kalsada project ng Palawan local government, sisimulan na

Pormal nang sinimulan ang pagsasaayos at pagkonkreto ng mga kalsada sa ilang bayan sa Palawan.
Magkasunod na isinagawa ang groundbreaking ceremony sa bayan ng Aborlan at Brookes point kung saan sisimulan ang pagsasaayos ng 8 kilometrong kalsada na sasakop sa apat na barangay ng Aborlan.
Ito ay ang mga barangay Magbabadil, Baraki, Cabigaan at Mabini.
Ang kalsadang tinguariang Magbarcama Road ang magkukunekta sa dalawang national highway habang ang kalsada naman sa Barangay Ipilan na may halos 6 na kilometro patungo sa Munisipalidad ng Brookes point ang nakatakda na ring pasimulan pagkatapos ng isinagawa ring groundbreaking sa nasabing bayan.
Ang pondong gagamitin para sa mga nabanggit na road projects na inilaan ng DILG sa ilalim ng conditional matching grant for provinces o CMGP ay dahil sa pagkamit ng Palawan ng “Seal of Good Housekeeping”.
Magiging daan ang mga proyektong pagsasaayos ng kalsada upang mapagaan at mapabuti ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura ng mga residente sa mga nasabing lugar gaya ng matagal na nilang hinihiling sa pamahalaang panlalawigan.
Ulat ni Annie Ramos, Palawan correspondent
=== end ===
 
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *