Kalunos-lunos na kondisyon ng mga shelter ng recruitment agencies ibinunyag ni Sen. Raffy Tulfo

0
Kalunos-lunos na kondisyon ng mga shelter ng recruitment agencies ibinunyag ni Sen. Raffy Tulfo

Senador Raffy Tulfo

Ibinunyag ni Senador Raffy Tulfo ang kalunos-lunos na kondisyon ng mga shelter ng recruitment agencies, para sa nire-recruit nilang mga manggagawang Pinoy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Aworkers, ipinakit ng senador ang larawan ng accomodation houses na sorpresa niyang ininspeksiyon.

Ang mga manggagawa aniya doon, siksikan sa isang kuwarto tulad sa mga bilangguan, dahil aabot sa labiwangwalo hanggang dalawampung manggagawa ang pinatutulog doon.

Bukod sa siksikan ang quarters, marumi aniya at pangit ang palikuran, walang laman ang first aid kits, walang fire escape at fire extinguishers.

May accomodation house din kinakandado ang gate at hawak ng may-ari ang susi, na delikado kapag nagkasunog o anumang emergency.

Ayon kay Tulfo, “I saw how deplorable the conditions, sobrang kaawa-awa na. Na-highblood ako. Mantakin nyo isang sala, 20 pinahihiga, upper floor, 1/3 nito pinapatira 18 people, parang sardinas, daig pa sa city jail. Ang masaklap, every single night kinakandado yung gate.”

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), anim lang ang rehistradong accomodation facilities para sa mga aplikante para maging OFW. Natanggal na sa listahan ang 27 dahil sa mga paglabag sa safety standards.

Ayon sa ahensiya, magsasagawa sila ng panibagong inspeksiyon sa accomodation houses.

Nang balingan ni Tulfo, sinabi ni Fire Chief Superintendent Alma Abacahin, Director for Fire Safety Enforcement ng Bureau of Fire Protection, na nag-apply ang recruitment agencies para sa Fire Safety Inspection Certificates, pero hindi para sa accomodation houses at hindi nila basta ma-inspeksiyon at mamo-monitor kung hindi mag-a-apply sa kanila ng permit.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *