Kalusugan ni Pangulong Duterte , matinding naapektuhan sa panahon ng kaniyang termino- Senador Go
Inamin ni Senador Christopher Bong Go na matinding naapektuhan ang kalusugan ni Pangulong Duterte sa panahon ng kaniyang termino.
Ito’y dahil sa pressure sa kanyang trabaho at mga matinding problemang pinagdaanan ng bansa tulad ng COVID-19.
Ayon kay Go, ito ang dahilan kaya pabalik balik sila ng Pangulo noon sa Ospital.
Sinabi ng Senador piniga ang Pangulo physically at mentally kaya mabigat ang naging epekto sa kaniyang kalusugan
Ayaw na nitong idetalye ang mga sakit na pinagdaanan ng Pangulo pero nagpasalamat ito sa mga doktor at mga staff ng ospital na personal na umalalay sa pangulo sa panahong matindi ang kaniyang pinagdadaaan.
Pagtiyak ng Senador ngayong bababa na sa pwesto ang Pangulo, unti unti nang nababawasan ang pressure at physically fit itong aalis sa Malacañang.
Umapila naman ang Senador sa mga wala pang bakuna at booster shot na magpabakuna dahil hindi pa masasabing tapos na ang pandemya.
Si Go na Chairman ng Senate Committee on Health ay panauhing pandangal sa pagbubukas ng pulmonary institute na ngayon ay Center for Thoracic and Critical care medicine sa Cardinal Santos Medical Center.
meanne corvera