Kamag-anak ng mga batang natagpuang patay sa loob ng suitcases sa New Zealand, natunton na ng South Korean police
Inihayag ng Seoul police na nasa South Korea ang isang babaeng pinaniniwalaang kamag-anak ng dalawang bata, na ang mga labi ay natagpuang patay sa loob ng suitcases sa New Zealand.
Noong isang linggo, sinabi ng New Zealand police na nakadiskubre sila ng mga labi ng dalawang bata, na pinaniniwalaang nasa pagitan ng edad lima at sampu sa loob ng suitcases na wala ng buhay .
Ang mga labi ay natuklasan matapos na isang pamilya ang bumili ng mga gamit kabilang na ang suitcases, mula sa isang auction para sa mga abandonadong kagamitan.
Sinabi ng New Zealand police, na malamang na ilang taon nang nakatago ang mga labi ng dalawang bata, kaya naging kumplikado ang imbestigasyon sa krimen.
Ayon sa isang opisyal sa Korean National Police, “A woman of Korean descent, who is believed to be related to the children, is currently in South Korea. We confirm that she is in South Korea, and that she is a New Zealand national of Korean descent.”
Dagdag pa niya, “She arrived in the South in 2018 and had no record of leaving the country since that year. New Zealand police are leading this investigation and we intend to cooperate at their request.”
Gumugol ng ilang oras ang pulisya sa pagsusuri sa kuha ng CCTV, ngunit maaaring nabura na ang mahahalagang sandali dahil sa pagkaantala sa pagitan ng pagkamatay ng mga biktima at sa pagkakatuklas sa mga bangkay.
Masusi ring siniyasat ng forensic experts kapwa ang storage unit at property kung saan nakuha ang suitcases.
Samantala, iginiit ng New Zealand authorities noong isang linggo, na ang pamilyang nakadiskubre sa mga bangkay ay walang koneksiyon sa homicide.
Sinabi ni country Detective Inspector Tofilau Faamanuia Vaaelua, na ang naturang pamilya ay binibigyan ng suporta para malampasan ang naranasang trauma.
© Agence France-Presse