Kamara focus sa trabaho sa harap ng isyu ng destabilisasyon sa liderato
Dapat sawatain para hindi na lumala!
Ito ang pahayag ni House Speaker Martin Romualdez sa mga ugong ng destabilisasyon sa kaniyang liderato sa Kamara de Representante.
Kasabay ito ng pagtiyak ni Romualdez na tuloy lamang sa trabaho ang Kamara.
Umugong ang usapin sa planong pagpapatalsik kay Romualdez matapos i-demote ng Kamara si dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker.
“There is still much work to do, so occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud,” pahayag ni Romualdez sa isang statement.
Dagdag pa ni Romualdez, hindi dapat magpa-abala ang Kamara sa trabaho nito dahil sa maagang pamumulitika.
“The House cannot be distracted from finding legislative solutions to issues that affect the lives of ordinary Filipinos.”
“Rather than engaging in politicking, I would rather that we, in the House of Representatives, remain focused on more urgent matters,” pagdidiin pa ng Speaker.
Tiniyak din ni Romualdez na maayos ang kaniyang pamumuno sa Kamara na nagresulta sa pagpapatibay sa 29 sa 42 priority legislation ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“The House of the people is in order.”
“This same level of order is what allowed us to approve on third and final reading at least 29 of the 42 bills that comprise the legislative agenda of President Ferdinand Marcos, Jr.” dagdag pa ni Romualdez.
Una nang naglabas ng statement si Gng. Arroyo na itinatanggi ang tangkang pagpapatalsik kay Romualdez.
Nananatili din ang commitment ni Arroyo para suportahan ang legislative agenda ni Romualdez at ni Pangulong Marcos.
Hindi na rin daw niya ina-ambisyon na maging Speaker muli.
Ang demotion ni Arroyo ay sinundan naman ng pagkalas ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Sa kaniyang resignation sa Lakas-Christian Muslim Democrat (Lakas-CMD) sinabi ni Duterte na hindi magpapalason ang kaniyang pagsisilbi sa bayan ng “political toxicity” at ng nakakasuklam na “political power play.”
Sa kaniya namang social media account, may pinaringgan si Duterte pero hindi tinukoy kung sino ito.
Sinabi ng Bise Presidente sa kaniyang post sa wikang Bisaya na “sa imong ambisyon, do not be tambaloslos,” isang Cebuano slang na ginagamit para insultuhin ang isang lalake na puro daldal, walang kakayahan, o hangal.
Vic Somintac