Kamara hahanapan ng alokasyon ang tinapyas na pondo ng DOH para sa cancer
Suportado ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang apela ni Department of Health o DOH Officer-in-Charge o OIC Undersecretary Maria Rosario Vegeire na bigyan ng pondo ang National Integrated Cancer Control Act ( NICCA ) ng Kagawaran ng Kalusugan na nagkakahalaga ng 500 milyong piso.
Sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na kakausapin niya ang kanyang mga kasamahang kongresista na mabigyan ng pondo ang anti-cancer program ng pamahalaan.
Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations sa 2023 proposed budget ng DOH inihayag ni Vergeire hindi kasama ang cancer fund sa National Expenditure Program na isinumite ng Department of budget and management ( DBM ) .
Paliwanag ni Vergeire mahalaga ang naturang pondo para mabigyan ng tulong pinansiyal at medical assistance ang mga mahihirap na pasyente na may cancer.
Ang National Integrated Cancer Control Act ay naisabatas noong February 2019 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para magsilbing framework para sa lahat ng cancer-related activities ng gobyerno.
Vic Somintac