Kamara , humihingi ng paliwanag at guidelines sa BSP sa validity ng bagong polymer P 1,000 bill
Nagpadala ng sulat si House Committee on Ways and Means Chairman Albay Congressman Joey Salceda kay Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Felipe Medalla upang humingi ng guidelines hinggil sa validity ng bagong polymer 1000 peso bill.
Ginawa ni Salceda ang hakbang matapos magkaroon ng reklamo ang mga negosyante at mga consumers dahil hindi tinatanggap ang bagong pera kung natupi o nalukot dahil nawawalan umano ito ng value.
Sinabi ni Salceda na kilala ring banks and financial expert na kailangang maglabas ng guidelines ang BSP sa bagong 1000 peso bill dahil nakakaapekto ito sa business transaction at money circulation sa bansa.
Ayon kay Salceda kaya gumagamit ang BSP ng polymer base bill dahil ito ay mas matibay kumpara sa paper base bill.
Inihayag ni Salceda kung nalukot o natupi ang Polymer 1000 peso bill ay nawawalan ng validity as legal tender mayroong malaking problema dahil hindi ito convenient na gamitin.
Vic Somintac