Kamara magbibigay ng 2 billion pesos allocation na goverment subsidy sa mga traders na apektado ng rice price ceiling
Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez si House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co na maglaan ng 2 bilyong pisong alokasyon para gawing goverment subsidy sa mga traders na apektado ng price ceiling ng bigas na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ang 2 bilyong pisong subsidy allocation ay ibibigay ng Kamara sa Department of Budget and Management o DBM.
Ginawa ng Kamara ang hakbang para tulungan ang mga rice traders na umaangal sa price ceiling sa bigas matapos ilabas ng malakanyang ang executive order number 39 na nagtatakda na ang presyo ng regular milled rice ay 41 pesos ang kada kilo samantalang ang well milled rice ay 45 pesos ang kada kilo.
Batay sa report nagrereklamo ang mga rice traders sa price ceiling ng gobyerno dahil ang kanilang mga stock ay nabili sa 50 pesos ang kada kilo at kung susundin ang price ceiling malulugi ang mga ito.
Vic Somintac