Kamara magbibigay ng tulong pinansiyal sa pamilya ng 2 OFW’s na namatay sa Israel
Inanunsiyo ni House Speaker Martin Romuladez na magbibigay ang Kamara ng isang milyong pisong financial assistance sa pamilya ng dalawang Overseas Filipino Workers o OFW’s na namatay sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant group.
Ayon kay Romualdez maliban sa cash assistance maghahanap din ng paraan ang Kamara kung papaano mabibigyan ng livelihood at scholarship assitance ang mga naulila ng dalawang OFW’s na sina angeline aguirre ng lalawigan ng Pangasinan at Paul Vincent Castelvi ng lalawigan ng pampanga.
Inihayag ng lider ng Kamara na nakakalungkot ang nangyari kina Aguirre at Castelvi na nagbuwis ng buhay para maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Tiniyak naman ng House Speaker na ginagawa lahat ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pinoy na naiipit ngayon sa giyera sa Israel.
Pahayag ni House Speaker Martin Romualdez:
“These tragic events remind us of the dangers our fellow Filipinos face even as they seek opportunities abroad.
Our thoughts and prayers are with the families of the victims during this difficult time.
I am deeply saddened by the loss of our countrymen.
In these trying times, it’s crucial for us as a nation to come together and support one another.
The cash assistance is just a small token of our shared grief and our commitment to help.
Part of our commitment is to find sources for livelihood opportunities and scholarships, ensuring that the bereaved families will be provided the necessary assistance in rebuilding their lives.
Vic Somintac