Kamara nag-ambagan, nakalikom ng 35 million pesos para tulungan ang mga biktima ng bagyong Paeng
Umabot na sa 35 million pesos ang nalikom ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyong Paeng.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez ang inisyatiba ay pinangunahan ni AKO Bicol partylist representative Zaldy Co Chairman ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Romualdez ang hakbang ng Kamara ay bilang pagtulong sa Marcos administration para sa isinasagawang relief at rehabilitation sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng.
Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, 16 sa 17 rehiyon ng bansa ang naapektuhan bagyong Paeng na nagdala ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian.
Pinasalamatan din ni Romualdez ang mga empleyado ng Kamara dahil nagboluntaryo ang mga ito na tumulong sa pag-iimpake ng relief goods na ipamamahagi sa mga lugar n a naapektuhan ng kalamidad.
Vic Somintac