Kamara naglaan ng 5 milyong pisong pabuya para mahuli ang pumatay sa mamamahayag na si Percy Lapid
Magbibigay ng limang milyong pisong pabuya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa na kilala sa tawag na Percy Lapid.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang bounty money ay mula sa kontribusyon ng mga kongresista na nababahala sa pagpatay kay Lapid.
Ayon kay Romualdez dapat mapanagot sa batas ang mastermind ng krimen.
Inihayag ni Romualdez kailangang protektahan ng gobyerno ang kaligtasan ng mga mamamahayag para mapanatili ang freedom of the press sa bansa dahil katulong ang mga ito sa transparency sa pamahalaan at sa nation building.
Binigyang diin ni Romualdez na walang lugar sa demokrasya at sibilisadong lipunan ang anumang krimen.
Vic Somintac