Kamara , naglabas ng 2022 Accomplishment report ng 19th Congress
Nagbigay na ng Accomplishment Report ng 19th Congress si House Majority Leader Manuel Mannix Dalipe kay House Speaker Martin Romualdez.
Batay sa ulat ni Dalipe sa loob ng 41 session days mula July 25 hanggang December 15, 2022 umabot 7,402 na panukalang batas at resolution ang naihain sa Kamara.
Ayon kay Dalipe 6,716 ang House Bills, 685 ang House Resolutions at 263 ang Committee Report.
Sinabi ni Dalipe na 173 ang panukalang batas na naipasa sa third reading, 21 ang lumusot sa second reading at 43 ang napagtibay na House Resolution.
Ayon kay Dalipe kasama sa napagtibay ng Kamara ang concurrent resolution number 2 na sumusuporta sa 2022-2028 Medium Term Fiscal Framework of the Marcos administration at ang Maharlika Investment Fund Bill.
Niliwanag ni Dalipe pinakamahalagang piece of legislation na napagtibay ng Kamara ang 2023 National Budget Bill na nagkakahalaga ng 5.268 trillion pesos.
Vic Somintac