Kamara nagsasagawa na ng public consultation sa buong bansa kaugnay ng pag-amyenda sa 1986 constitution
Inumpisahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang public consultation sa ibat-ibang panig ng bansa kaugnay ng isinusulong na Charter Change o pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments na kukunin ng Kamara ang opinyon ng taongbayan sa pagbabago ng Saligang Batas.
Ayon kay Rodriguez panahon na para amyendahan ang 1987 constitution na pinagtibay 36 na taon na ang nakakaraan dahil ilan sa mga probisyon nito ay hindi na akma sa kasalukuyang panahon.
Inihayag ni Rodriguez partikular na tinitingnan ng Kamara ang economic provision ng 1987 Constitution.
Idinagdag ni Rodriguez na suportado ni House Speaker Martin Romualdez na siya ring Presidente ng Philippine Constitution Association o PHILCONSA ang Charter Change o CHACHA.
Vic Somintac