Kamara tiwalang makakalusot sa Korte Suprema ang legalidad ng Maharlika Investment Fund Law
Iginagalang ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang karapatan ng sinumang indibiduwal na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng RA 11954 o Maharlika Investment Fund Act.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tiwala ang Kamara sa karunungan sa batas ng mga mahistrado ng katas-taasang hukuman na ang Maharlika Investment Fund Law ay hindi sumasalungat sa anumang probisyon ng saligang batas.
Ginawa ng liderato ng Kamara ang pahayag matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng oposisyon sa mababang kapulungan ng Kongreso at Senado para hilingin na ideklarang unconstitutional ang Maharlika Investment Fund Law.
Iginiit ng Kamara na dumaan sa masusing debate at pagbusisi ng mga mambabatas sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Maharlika Investment Fund Law na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang urgent legislative measures na naglalayong makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng pandemya ng COVID 19.
Magugunitang una ng ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng grupo ng oposisyon na paideklarang unconstitutional ang sertipikasyon ng Pangulo na urgent bill ang MIF noong tinatalakay pa ito sa Kongreso.
Pahayag ni House Speaker Martin Romualdez;
“In response to the petition filed against RA no. 11954, the Maharlika Investment Fund Act of 2023:
We respect the democratic process and the right of every individual to seek legal redress. The House of Representatives, under my leadership, has always prioritized the observance of legislative procedures and adherence to the constitution.
The Maharlika Investment Fund Act was passed with the intention to drive economic growth, address poverty, and create job opportunities for Filipinos. The certification of the bill as urgent was determined with this vision in mind.
Regarding the amendments, it is not uncommon for bills to undergo changes as they pass through the legislative mill, but we ensure these are done within the bounds of our constitution and established procedures.
We trust the wisdom of the supreme court to evaluate the merits of the petition and to arrive at a just and fair decision. We are prepared to cooperate fully with the court and to provide any necessary clarifications.
In these times, it is more crucial than ever that we focus on what will uplift and benefit the Filipino people. Let us keep the best interests of our nation at heart.
Vic Somintac