Kamara umapela sa Malakanyang na ipahinto na ang operasyon ng POGO sa bansa
Nanawagan sa Malakanyang si Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na pakinggan ang panawagan ng mga Senador at Kongresista na ipahinto na ang operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.
Sinabi ni Barbers mas mabigat ang pinsalang idudulot ng POGO sa moralidad ng mga Pilipino at sa lipunan kumpara sa benepisyong dulot nito.
Ayon kay Barbers ang POGO ang nagdala ng bisyo ng sugal at krimen sa bansa.
Binanggit ni Barbers ang kidnap for ransom, prostitution, murder, illegal drugs, money laundering, human trafficking at graft and corruption.
Iginiit ni Barbers na bawal sa China ang online gaming o kahit anong sugal kaya nakakadismaya na pinapayagan sa Pilipinas ang POGO.
Inihayag ni Barbers ang mga reports na nagiging daan ang POGO para makapasok sa bansa ang mga prostitutes mula sa China, Myanmar, Malaysia at Vietnam na nagpapanggap na POGO workers.
Vic Somintac