Kamara walang official communications sa senado kung kailan iko-convene ang impeachment court

Tanging ang liderato lamang ng senado ang makapagpapasya kung kailan iko-convene ang impeachment court, para mapasimulan na ang impeachment trial kay Vice pResident Sara Duterte.
Sinabi ni IloIlo Congressman Lorenz Defensor, isa sa 11 congressmen prosecutors, na walang komunikasyon ang kamara sa senado matapos maipadala ang article of impeachment laban kay VP Sara.

Ayon kay Defensor, kailangang mapasimulan na ang impeachment trial sa pangalawang pangulo para magkaroon ng closure sa taong bayan ang mga paratang na ibinabato sa bise presidente.
Naniniwala rin ang mambabatas na ang impeachment laban kay VP Sara ay magiging election issue sa May 2025 midterm elections.
Sa ngayon ay naninindigan ang liderato ng senado na maaari lamang i-convene ang impeachment court sa pagabbalik ng sesyon ng kongreso sa June 2.
Vic Somintac