Kamote bilang pamalit sa kanin at french fries, iminungkahi ni House Deputy Speaker Janet Garin sa Department of Agriculture
Inirekomenda ni House Deputy Speaker Janet Garin sa Department of Agriculture o DA na gawing pamalit sa kanin at french fries ang kamote.
Sinabi ni Garin na mas masustansiya ang kamote na pamalit sa kanin na nagpapataas ng blood sugar at french fries na sagana sa saturated fats na masama sa kalusugan.
.Ayon kay Garin dapat bigyan ng insentibo ng Department of Agriculture ang mga karinderya at restaurant na gagamit ng kamote bilang pamalit sa kanin at french fries.
Inihayag ni Garin na mapalalakas pa ang produksiyon ng kamote na makatutulong sa mga magsasaka na hindi gaanong mangangailangan ng puhunan tulad ng pagtatanim ng palay na masyadong magastos dahil sa taas ng fertilizer at pesticides.
Niliwanag ni Garin tulad sa ibang bansa gaya ng South Korea, Japan at Amerika ay itinuturing na superfood ang kamote na kasama sa kanilang daily regular diet.
Vic Somintac