Kampo ni Atty. Harry Roque naghain ng Writ of Amparo sa SC

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang kampo ni Atty. Harry Roque laban sa pagpapaaresto sa kaniya ng Quad Committee (Quad Comm) ng Kamara.

Ito ay sa pamamagitan ng writ of amparo na inihain ng anak ni Roque sa Supreme Court.

Sa petisyon, hiniling din ng kampo ni Roque na magpalabas ang SC ng temporary protection order laban sa implementasyon ng arrest order ng Quad Comm.

Iginiit sa petisyon na may karapatan si Roque na tumanggi na dumalo sa mga pagdinig ng Quad Committee.

Iligal din aniya ang Arrest Order ng Kamara dahil ito ay mula sa abusadong at mapang-aping akto ng Quad Committee.

Binigyang-diin ng kampo ni Roque na hindi dapat ito makulong sa pagtanggi na aminin at maglabas ng mga ebidensya sa mga alegasyon laban sa kaniya.

Moira Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *