Kampo ni Cassandra Li Ong, hiniling sa SC na mag-isyu ng TRO para kilalanin ng Senado at Kamara ang kaniyang karapatan na tumahimik

Nagpasaklolo sa Korte Suprema ang kampo ni Cassandra Li Ong laban sa paggisa dito sa mga pagdinig ng Kamara at Senado kaugnay sa illegal POGOs.

Sa petisyon na inihain ng mga abogado ni Ong, hiniling nila na magpalabas ng TRO ang Supreme Court laban sa mga aksyon ng respondents na lalabag sa constitutional rights ni Ong.

Nais ng kampo ni Ong na irespeto ng mga mambabatas ang right to remain silent at right agains self incrimination ng kanilang kliyente.

Una nang pinatawan ng contempt ng Kamara si Ong dahil sa hindi pagsagot sa mga tanong ng mga kongresista ukol sa POGOs at pagtakas nina Alice Guo.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *