Kampo ni Patricia Fox, i-a-apela pa rin ang tuluyang pagkansela ng BI sa kanyang Missionary visa
Dudulog sa DOJ ang Australyanong madre na si Patricia Fox matapos na ibasura ng Bureau of Immigration ang kanyang motion for reconsideration laban sa ginawang pagkansela sa kanyang Missionary visa.
Ayon sa mga abogado ni Fox, hindi pa immediately executory ang desisyon ng BI dahil mayroon pang remedyo na maaring gawin sa ilalim ng Rules of Procedure ng kawanihan.
Anila may karapatan ang banyaga sa due protection at sa pantay na proteksyon ng batas.
Umaasa ang kampo ni Fox na tatalima ang BI sa rule of law at sa sarili nitong rules of procedure at hindi aarestuhin o pwersahang ipadedeport ang madre.
Ulat ni Moira Encina